Hanggang ngayon ay binabalot pa rin ng intriga ang aktres na si Sarah Lahbati na kamakailan lamang ay nakitang kasama ang kambal ng kanyang asawa na si Raymond Gutierrez sa isang event ng luxury perfume sa isang mall sa Makati City.
Ibinahagi ni Sarah sa kanyang Instagram story ang larawan nila ni Raymond kung saan makikitang napagigitnaan sila ng beauty queen-actress na si Kylie Versoza.
Samantala, sa Instagram account naman ni Raymond ay walang bakas ng larawan nilang magkasama at sa halip ay mas marami pa silang picture together ni Kylie.
Kaya naman mas maraming na-curious kung ano na ba ang tunay na estado ng relasyon ng kanyang kambal at ng asawa nito dahil tila malayo si Raymond sa dating actress knowing na sister-in-law niya ito.
Matatandaang ilang linggo na ring usap-usapan at laman ng mga balita kung totoo bang hiwalay na sina Sarah at Richard.
May mga netizens kasi ang nakapansin na hindi na nagpo-post ang dalawa ng mga larawan nila together at ang huli pang post ay kuha sa Bali, Indonesia noong ikinasal sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.
Kapansin-pansin rin na wala si Sarah sa bonding ng mag-aama sa naging Instagram post ni Richard habang nasa swimming pool sila at absent naman ang Kapamilya actor sa naging bakasyon ng asawa kasama sina Zion at Kai.