Kapansin-pansin ang absence ni Kathryn Bernardo sa birthday party ni Karla Estrada.
May maliit na party na ginanap sa bahay ng aktres at walang Kathryn na na-sight sa party. Ang ilan sa mga naispatang celebrities ay sina Marjorie Barretto, Sunshine Cruz, Joy Ortega and Ruffa Gutierrez.
Sa kathniel_forlife25 Instagram account ay may video na inilabas sa party. Makikitang niyayakap si Daniel ng kanyang inang si Karla sa video.
With this ay marami ang nakapansin na absent si Kathryn sa birthday party ni Karla.
Sa comment section ay may nang-intriga.
“Totoo kaya ung issue na c Tita Min nangingialam na sa finances ni Dj as bread winner.. bakit daw c Dj ang gmgastos ng lahat para sa pamilya nya .. hmmm d pa kasal yan ahhhh,” say ni @heyitzcescah.
Sinagot naman ito ng isang fan ng, “@heyitzcescah anong akala mo kay tita min ganon na ka babaw bat niya pakikialaman eh may pamilya si dj andyan pa mama ni dj. Para mangialam yong ibang tao sa inaghirapan niya. Wag niyo ng idamay yong mga Taong nanahimik sa buhay nila.”
May isa pang fan ang nagtanggol sa mommy ni Kathryn Berardo and said, “I dont think tita min will touch the topic about money coz kath is also supporting his sisters nieces etc who are living with kath in the house and no immediate plans pa for marriage so money matters is out of topic , for me it is not good that they will not earn a living after finishing a degree how they learn to stand on their own if they will not work.”
Since maikli lang ang ipinakitang video, may isang faney na nagtanggol kay Kath and said, “Hahha matanung ko me minuto b yung video oh seconds lng hahhha tapos hinahanap nyu si kathryn eh malay nyu naman kung umabot ng 1oras ang video ano kaya sa tingim nyu. mga issuer hahhaha tigil nyu yan sasakit na mga bangs nyu lala bash pero tje end of the day kathniel parin.”
Teka, bakit nga ba wala si Kath sa party ni Karla. Hindi ba siya invited? Invited ba siya pero inisnab niya ang invitation? Or invited siya pero may nauna na siyang commitment? Which is which?
Anyway, mas lalong tumitindi ang chikang hiwalay na nga ang dalawa dahil may mga ganap na parang nagpapatotoo na merong hidwaan ang magdyowa.
May mga kumampi na rink ay Kathryn at in-unfollow si Daniel sa Instagram page nito. May ilang celebrities na rin ang hindi na nag-follow kay Andrea Brillantes, ang itinuturong secret lover ni Daniel na ayon na rink ay Ogie Diaz ay palihim na nagkikita ang dalawa.
***
Marami ang nagulat nang makita ang latest photo ni Sarah Lahbati. Maikli na kasi ang kanyang buhok.
May sign na kapag ang babae ay nagpaikli ng hair ay may pinagdadaanan ito sa kanyang private life, sa kanyang romantic life. At iyon ang napansin ng netizens.
Sa kanyang IG account ay obvious na nagpaikli ng buhok ang dyowa ni Richard Gutierrez.
“This face thoooo.”
‘Yan ang caption ni Sarah sa kanyang photo sa kanyang Instagram account.
Of course, sa comment section ay inulan ng reaction ang photo na iyon ni Sarah.
“The woman who cuts her hair is about to change her life.”
“Now, it is time for you to shine. No reason for anyone to keep you in the background just because you are married and have children.”
“Sana makita si Ms. Sarah sa Fashion Show and I am praying for more projects for you.”
“An image of strong independent woman. Self-love.”
“Elegance needs no words, and It is you @sarahlahbati. If a person does not see it, it is then that person is blind with something unkind.”