Ngayon pa lang, naglulundag na sa tuwa at talagang bet na bet ng mga Kapuso ang historical drama nitong pinamagatang “Pulang Araw”. Ito ang pangmalakasang palatuntunan mula sa Kamuning network na ipapalabas sa 2024.
Ang mas nagpapasagitsit sa historical drama ay mga magiging bida rito na sina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco at Sanya Lopez.
Ang Aldenatics, palong-palo ang happiness dahil nga ang huling historical drama pang pinagbidahan ng tinaguriang Asia’s Multi-Media Star ay “Ilustrado” at bumida na rin ito sa ating docu-drama, ang “Alaala: A Martial Law Special” kung saan binigyang buhay niya ang katauhan ni Ginoong Bonifacio Ilagan, isang martial law survivor at respetadong manunulat.
Si Licauco, hindi masyadong halata na leading man of the moment sa Kapuso station kasi nga an “Maging Sino Ka Man” ay katatapos lang umere, may major, major proyektong pang-telebisyon siyang muli.
Ang hiling lang ng mga katkatera, eh may “power of osmosis” si young master Faulkerson at mahawa niya si young master Licauco sa mahusay na pagganap. Universal pa rin ang panlilibak kay David na hindi ito mahusay sa pag-arte, huh!
Sa mga kababaihang bida, abangers siempre ang mga barakong totoo at ang mga biyanang sa Tung Dynasty ang bardagulan nina Forteza at Lopez sa aktingan at alindog.
Pag dating sa drama, si Barbara ang tinuturing drama prinsesa sa Sparkle kaharian. Siempre pa, hindi magpapakabog at tiyak hindi lang tatapat, laban kung laban si Shaira Lenn sa pahusayan sa pag-arte.
Sa alindog department, diyan kahanga-hanga si Sanya, hindi ba naman. Kayumangging-kaligatang balat, check! Bundok ng susong dalaga, check na check. Babaing-babaing pangrahuyo at makurbadang katawan, tatlong check! Si Forteza kasi, bagamat tunay namang makinis at palaban rin pag-naka-two piece bikini, neneng-nene pa rin ang datingan. Salat sa init at senswalidad ang dalaga na pala at hindi na batang si Forteza.
Sa tamang panahon, malalaman kung ang “Pulang Araw” ay tungkol sa buhay ng insulares at peninsulares noong mga Kastila ang naghaharing uri sa Pilipinas nating mahal? Ay! Ang bongga kung para itong “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?” na obra ni Pambansang Alagad ng Sining Para sa Pelikula Eddie Romero. Panalong-panalo rin kung ang era nito ay panahon ng pananakop ng mga Hapon at kung ito ay mala-“Oro, Plata, Mata” ni the late, great Peque Gallaga na tungkol sa buhay ng mga Ojeda at Lorenzo, mga pamilyang haciendero sinubok ang tibay at tatag nung pumutok at nangyari ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Kudos sa mga Kapuso producer dahil sa kanilang pagsusugal sa isang historical drama sa panahong ito. Tiyak marami ang mag-aabang kung ano nga ba talaga ang mga kaganapan at kwentong ang mga bidang totoo ay ang apat na sikat, sina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco at Sanya