Nitong nakaraan ay kinuwestiyon ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang naging mechanics ng “Voice for Change” video contest ng Miss Universe 2023 at mukhang hindi sang-ayon ang dating reigning queen sa naging desisyon ng organisasyon na na $12,000 lang ang matatanggap ng benipisaryo ng nagwaging kandidata.
Sa kanyang IG, broadcast channel na “LIfe Updates with Pia” inamin ng beauty queen-actress na marami siyang mga tanong ukol sa “Voice of Change” contest.
“So wait… magkano ang isang vote sa ‘Voice for Change?’ 1 USD? How many votes did the top girls get? One USD per vote tapos umaabot sa hundreds of thousands ‘yung votes pero 12k USD lang mapupunta sa chosen charity ng winners?” takang tanong ni Pia.
“So kung maka-300k votes = 300k USD. Tapos 12k lang ibibigay sa isang charity??” dagdag niya.
Ayon kay Pia, sana raw ay percentage ng nakuhang boto ng Miss Universe 2023 candidate ang mapupunta sa kanilang beneficiary at maging factor ang vote sa pagpasok ng Top 20 para makahikayat pa ng ibang boto sa madla.
“Di naman ako part ng org and nobody asked… pero sana percent ng votes mapunta sa charity. Like kung 300k ng votes, 50 percent of it can go to their advocacy tapos para may incentive lalo magvote mga tao. May sure slot and top girl sa Top 20. Sana pala straight to their advocacy nalang ‘yung prinomote ng girls,” suggestion ni Pia.
Nagpaabot naman siya ng congratulatory message sa nagwaging 2023 Miss Universe na si Sheynnis Palacios.