Binasag na ng pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee ang kanyang katahimikan makaraang tanggapin nito ang apology ng Miss Universe El Salvador.
Sa kanyang IG, makikita ang kanyang pahayag kung saan parang naging sagot ito sa naunang pahayag ng Miss Universe El Salvador para akuin na kanilang pagkakamali.
Kung matatandaan kasi, noong grand finals ng Miss Universe pageant last November 19, naglabas ng announcement ang nasabing pageant organization sa social media kung saan kabilang sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle.
Pinalitan naman nila ito agad pero huli na dahil mabilis iyong kumalat sa social media. Nagdulot iyon ng kalituhan sa mga fans, friends, and family member ni Michelle lalo pa’t hindi siya tinawag noong inanunsyo ang Top 5 finalists.
Maliban pa roon, lumikha ito ang usap-usapan sa social media na baka nagkaroon ng dayaan sa patimpalak.
At ngayong nag-sorry na ang nasabing organization through their identical Facebook and Instagram posts, naglabas din ng reaksyon si Michelle tungkol dito.
Ayon sa kanya, naging maingat daw sana ang mga tao sa likod ng post na iyon pero tanggap umano niya na talagang may nangyayaring pagkakamali kahit saan..
“There should be no room for error but the reality is that we live in an imperfect world,” pahayag ni Michelle sa kanyang broadcast channel sa Instagram at nakiusap din siya na irespeto rin sana hindi lang ang mga delegates kundi maging ang mga fans na naglalabas ng sentiments sa nangyari.
“My request is not just to be respectful to the delegates but to the supporters that are so passionate about this platform as well,” hiling niya.
Tila pagre-recognize niya ito sa effort ng mga fans na naglaan ng panahon, at nagbayad para maiboto online ang mga sinusuportahan nilang kandidata.
Sa dulo ng kanyang statement, nanawagan ang aktres na panatilihin sana ng mga netizens ang respeto sa isa’t isa. Naniniwala siyang may dahilan kung bakit nangyari ang mga bagay-bagay. Kagaya na lang sa pagkabigo niyang masungkit ang korona at ang maling Top 5 announcement ng Miss Universe El Salvador organization.
“But again, EVERYTHING happens for a reason and it’s just a matter of seeing it as a lesson or a blessing. So always act with love, kindness, and respect. All love. [Black heart emoji],” pagtatapos niya.