Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakawala sa tsismis ang aktres na si Kazel Kinouchi sa umano’y koneksyon nito kay Richard Gutierrez magmula nang pumutok ang balitang hiwalay na ang aktor sa asawa nitong si Sarah Lahbati.
Ilang mga netizens na kasi ang patuloy na nagtatanong kung bakit nasa iisang area silang dalawa at spotted rin na nasa lugar ng Halloween party ang mga anak nina Richard at Sarah Lahbati na sina Zion at Kai.
“Hindi po totoo ‘yon… ang ganda ko naman po… grabe kayo ha… ang haba naman ng hair ko, guys. Thank you for free publicity but sad to say that’s not true, so wala kayong juice na makukuha from me,” saad ni Kazel.
Nakiusap rin si Kazel na sana’y tigilan na ng mga netizens ang pang-iintriga sa kanya dahil wala namang katotohanan ang chikang may something sa kanila ni Richard.
“Kapitbahay lang po namin ‘yon, maawa po kayo sa akin, huwag ninyo akong pagtsismisan,” sabi pa ng aktres.
Kung matatandaan, pinagpiyestahan sa social media ang video at mga screenshots kung saan makikitang nasa iisang lugar lang sina Kazel at Richard.
Hindi naman maiwasan ng mga netizens ang magduda lalo na’t usap-usapan rin na tila hiwalay na ang mag-asawang Richard at Sarah dahil napansin ng mga netizens na hindi na sila nagpo-post ng pictures together at may absent na isa sa tuwing magba-bonding sila kasama ang mga anak.