Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes ang mga kinauukulang ahensya na pabilisin ang relief operations para sa mga biktima ng baha sa Northern at Eastern Samar, ayon sa Presidential Communications Office.
Sabi ng PCO, iniutos ni Marcos sa Department of Public Works and Highways na tiyaking madadaanan ang mga kalsada para sa mas mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng baha.
“The public works – as soon as the public works are able to enter, do the necessary repairs so that bigger vehicles can enter – as soon as it’s passable all efforts can go in and do the repairs necessary,” saad ng Pangulo.
“We are doing everything that we can. But let’s work with those who are in the evacuation centers – pati na ‘yung mg nasa bahay pa (including those at home)… we have to go and make sure that they get the food packs, they get sufficient water supply,” dagdag niya.
Nauna nang bumisita si Marcos sa Tacloban, kung saan nagsagawa siya ng virtual briefing sa iba pang opisyal ng gobyerno tungkol sa epekto ng shear line at low pressure area na nakakaapekto sa Northern Samar. Lapag sana ang Pangulo sa Catarman ngunit napigilan ito ng panahon.
Samantala, sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na naghanda ang ahensya ng mahigit 100,000 food packs para sa mga apektadong pamilya sa Northern at Eastern Samar.