Isang 26-anyos na babae ang nasawi matapos umanong mahulog mula sa sinasakyan niyang motorsiklo at magulungan ng truck na nakabangga sa kanila sa Calauag, Quezon.
Base sa mga ulat, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Binutas at sa paunang imbestigasyon, napag-alaman na nakaangkas ang biktimang si Judy Anne Laude, at anak nito na tatlong-taong-gulang, sa motorsiklo na minamaneho ng kaniyang mister, nang mabangga sila ng truck na nawalan umano ng preno.