Naputol ang ulo ng isang sanggol habang iniluluwal ng kanyang ina sa isang paanakan sa Puerto Princesa City, Palawan.
Batay sa ulat, sinabi daw ng pribadong klinika na tatlong araw na umanong patay ang babaeng sanggol sa sinapupunan ng bago pa ito ilabas ng kanyang ina.
Giit naman ng mister ng ginang, nagpasuri pa raw ang kanyang misis bago manganak.
Dagdag pa rito, nalaman na lang umano nila na nakahiwalay ang ulo ng sanggol sa katawan nito noong enembalsamo na siya.
Wala namang tugon ang klinika sa nangyari.
Kasalukuyan nang umaarangkada ang imbestigasyon ng otoridad hinggil dito.