Patay ang isang 21 anyos na lalaki matapos madaganan ng natumbang pader sa isang terminal na sinalpok ng bus sa Balanga City, Bataan.
Kinilala ang nasawi na si Jen Orviel Titulo.
Ayon sa ulat, naghihintay ang estudyante ng masasakyan sa bus terminal sa Bataan nang biglang humarurot ang isang bus dahilan upang bumangga ito sa pader.
“Noong nakita ko ‘yung nakahandusay na, hinawi ko ang buhok. Nakita ko ang mukha ng anak ko. Anak ko ‘yan, anak ko ‘yan. Palapitin niyo ako” kuwento ni Jennifer Dinglasan, ina ng nasawi.
Batay sa salaysay ng otoridad, nakatigil umano ang bus na biyaheng Mariveles at naghihintay ng pasahero nang aksidenteng natapakan ng drayber ang accelerator dahilan upang ito ay umarangkada.
SInabihan din umano ang drayberr ng dispatcher nito na buksan na ang makina dahil sila na ang magsaskay ng pasahero.
Kasalukuyang nang nasa kustodiya ng pulisya ang drayber na siyang sasampahan ng kaso ng pamilya ng nasawing biktima.