Isang lalaking sinita ng mga pulis sa isang checkpoint sa Magallanes, Cavite dahil wala itong suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo ang inaresto dahil wanted pala ito sa kasong pagpatay.
Base sa mga paunang ulat, ang biktima sa krimen ay itinapon ang bangkay sa sapa at tinangay ang kaniyang motorsiklo. Lumitaw din na walang plaka ang motorsiklo at walang lisensiya ang suspek.
Kinalaunan, napag-alam ng mga otoridad na suspek ang menor de edad na rider sa kaso ng pagpatay ng tunay na may-ari ng motorsiklo na gamit nito.
Ayon sa pulisya, tugma ang mga dokumento sa motorsiklong gamit ng suspek, sa nawawalang motorsiklo ng biktima.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, inamin umano ng suspek ang nagawang krimen na nangyari noong nakaraang Oktubre.
Kainuman umano niya ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo dahil sa kalasingan. Nasakal niya ang biktima na dahilan ng pagkamatay nito.
Mayroon umano siyang isang kasama na tumulong sa kaniya para ihulog sa sapa ang katawan ng biktima.
Mahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek.