May bagong aabangan ang mga fans ng aktres na si Kim Chiu ngayong siya ang napiling isa sa mga bida sa Pinoy adaptation ng South Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim.”
Kasama ni Kim ang aktor na si Paulo Avelino.
Ang Pinoy-dubbed version ng naturang South Korean series ay ipinalabas din noon sa Kapamilya Network noong 2018, na pinagbidahan ng Korean stars na sika Park Min-young at Park Seo-joon as Secretary Kim and Mr. Vice-Chairman.
Ang original version nito na isang webtoon-based Korean series ay mula sa leading entertainment company sa Korea na CJ ENM na pumayag ngang gawan ng Filipino remake.
At para sa bagong proyektong ito nina Kim at Paulo ay muling magko-collab ang ABS-CBN Entertainment at Viu Philippines upang bigyan ng bagong putahe ang Filipino viewers.
Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment, ito na ang kanilang ikatlong pakikipagsanib-pwersa nila sa Viu after “The Broken Marriage Vow” at “Flower of Evil.”
“As our third collaboration together, we look forward to its success not just in the Philippines but across all our markets,” ang sabi ni Marianne Lee, Chief of Content Acquisition and Development ng Viu.
Pahayag ni Sebastian Kim, CJ ENM’s Director for International Content Sales, “We are delighted to announce the continuation of our enduring partnership with ABS-CBN and Viu through the ‘What’s Wrong with Secretary Kim’ remake.