Inihayag ng Department of Transportation na nananatiling bukas ang kanilang tanggapan para sa pakikipag-dayalogo sa mga transport group hinggil sa PUV Modernization kasunod ng tigil-PASADA na ikinasa ng grupong PISTON na balak namang segundahan ng grupong MANIBELA.
Ang tigil-pasada at kilos protesta na ito ay bilang pagpapakita ng pagtutol sa itinalagang deadline ng DoTr para sa franchise consolidation application bilang bahagi ng modernisasyon sa transportation sector.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, patuloy ang mga isinusulong nilang mga hakbang upang maisaayos ng husto ang hangarin ng pamahalaan na i modernize ang pampublikong transportasyon sa bansa.
Dagdag niya, ito ang magbibigay ng mas malawak na pagkakataon ang maraming operator at tsuper at kumpiyansa rin ang kalihim na mareresolba ang ganitong usapin kasabay ng pagtitiyak na walang maiiwan.
Patuloy rin na nakikipag-ugnayan ang opisyal sa kay PISTON President Mody Floranda upang bigyang linaw ang maling paniniwala hinggil sa PUV Modernization.