Nitong nakaraan ay inihayag ng Vice President Sara Duterte na wala siyang planong tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa darating na 2028 national elections at giit niya, hindi niya inaambisyon ang pagtakbo.
Sa naging panayam sa kanya, inilahad ng Bise Presidente na kahit noong nakaraan ay wala sa hinagap niya na tumakbo para sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.
“Hindi ko naman talaga ambisyon na tumakbong vice president and lalong lalo na ang president. Alam niyo naman lahat ‘yan. Sinabi ko noon na hindi ko gustong tumakbong president,” sabi ni Duterte.
Pero mukhang maiiba pa rin ang ihip ng hangin sa mga susunod na araw at dahil matagal pa ang 2028, hindi pa rin matatawaran ang binitiwang salita ni Duterte kung saan sinabi ni na Diyos na bahala sa mga plano niya.
“Lahat ng ginagawa natin, we can only plan, but it will truly be God’s plan that will prevail,” sabi pa ng Bise Presidente.
Sa mga naglalabasang surveys sa ngayon, hindi nawawala ang pangalan ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga napupusuan ng mga taong tinanong na nais nilang pumalit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028.
Kasama rin sa listahan sina Senador Raffy Tulfo at Vice President Leni Robredo.
Sa nasabing survey, may mga respondent ang walang sagot, hindi alam o tumangging sumagot, na aabot ang kabuuang bilang sa 41 porsiyento.
Pinabulaanan rin ni Duterte na walang lamat ang relasyon ng UniTeam coalition sa administrasyong Marcos.
“We’re okay,” sagot ni Duterte nang tanungin tungkol sa working relationship nila ni Marcos.
Hindi rin niya pinalampas ang mga umuugong na umano’y planong impeachment laban sa kaniya ng ilang mambabatas sa Kamara de Representantes.
“We are currently doing our due diligence about this one, and then we will release a comment at the appropriate time,” sabi ni Duterte.
Hindi biro ang mga hinaharap ngayong mga suliranin ni Duterte dahil bukod sa pagiging Bise Presidente ay siya rin ang kalihim ng Department of Education na nahaharap rin sa mga pagsubok.
Pero kung sakali ngang maiba ang kanyang plano, ika nga nila: Only time will tell.