Naramdaman ang magnitude 5.6 na pagyanig sa Samar nitong Lunes ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Batay sa ahensya, tumama ang lindol sa nasabinig probinsya 12:57 p.m at siyang nasentro sa 11.54°N, 125.14°E sa lungosd ng Calbiga.
Batay sa ulat, may lalim na 77km ang lindol.
Naramdaman din ang Intenisity 4 sa Palo, Leyte.
Sinabi naman ng ahensya na walang inaasahang pagkasira ng mga gusali, ngunit maaari umanong maramdaman ng aftershock ang mga apektadong lugar.