Inihayag ng Commission on Elections na nadagdagan pa ng 10 kandidato ang listahan ng mga na-disqualify nito sa katatapos lamang na barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ang kabuuang bilang ay umabot na sa 39.
Sa desisyon na inilabas noong Miyerkules, sinabi ng Comelec na siyam na kandidato ang nadiskwalipika para sa premature campaigning at isa naman sa vote buying habang pito sa mga nadiskwalipika na kandidato ang tumakbong miyembro ng barangay council, isa para sa SK chairman at dalawa para sa SK council member.
Sa 39 na na-disqualify, 29 ang napatunayang guilty sa premature campaigning at dalawa sa vote buying.
Kinansela ng Comelec ang certificate of candidacy ng apat na kandidato habang dalawa ang idineklara bilang nuisance candidate.