Pumalo na sa higit kalahating metro ang lalim ng baha sa ilang bahagi ng bayan ng Jipapad sa Northern Samar at ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer na si Vicky Abestros, patuloy pa nilang inaalam ang kalagayan ng ibang mga barangay na nasa mababang bahagi ng bayan.
Ayon kay Abestros, patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Nangangamba ang mga residente na baka lumalim pa ang baha.
Kabilang ang bayan ng Jipapad sa mga madalas bahaing bayan sa Northern Samar sa tuwing masama ang panahon kaya naghahanda na ang mga residente sa posibleng paglikas.
Kasama rin sa mga binahang mga barangay ang Cagmanaba, Magsaysay, Jiwaran, Roxas at mga mababang bahagi ng mga barangay sa Poblacion.