Isang lalaki ang namatay matapos ang banggaan ng isang pickup truck at tricycle sa Maynila nitong madaling araw ng Linggo.
Ayon sa mga otoridad, nayupi ang tricycle habang wasak ang harapan ng pickup truck kasunod ng insidenteng nangyari ala-1:50 ng madaling araw.
Sinabi naman ng Manila traffic sector, dead on the spot ang pasahero na angkas ng tricycle habang naisugod pa sa ospital ang driver ng tricycle.
Ayon sa driver ng pickup truck, papunta sana siyang airport nang mangyari ang aksidente.
“Actually pasalubong kami bigla lang siya pumasok sa lane ko kaya ayon tumama,” sabi ng driver ng pick-up truck.
Dagdag niya, nasa 30 kilometers per hour lang ang kaniyang pagpapatakbo noong mga oras na iyon at patungo sa direksyon ng Nagtahan ang tricycle.
Hindi rin umano siya inaantok habang nagmamaneho.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.