Pinaghahanap ngayon ng kapulisan ang isang Koreano na tumakas sa isang bilangguan sa Abuyog, Leyte nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ang pugante na si Gim Sihun, alyas Kim Sihun, na residente umano ng Taguig City.
Ayon sa ulat, huling nakita ang bilanggo bago mag madaling araw ng Huwebes.
Nalaman na lamang na nakapuslit na ito nang magsagawa ng headcount ang mga guwardya bandang alas sais ng umaga.
Disyembre taong 2021 nang arestuhin si Kim, kasama ang isang kababayan niya na si Han Juyoung, dahil sa kasong ilegal na pamimirmihan sa bansa.
Bukod dito, hindi siya dokumentado at ‘undesirable alien’ dahil umano nahaharap siya at si Han sa reklamong telecommunication fraud sa South Korea.
Tinatayang 29 milyong Korean won ang nakulimbat ng dalawa sa kanilang mga biktima roon.