Kaloka ang mga kaganapan ngayon sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes, ha.
Kalat na kalat na kasi sa social media in in-unfollow nina Kathryn at Andrea ang Instagram account ni Daniel Padilla.
Ito namang si Daniel, in-unfollow si Andrea pero naka-follow pa rin siya kay Kathryn. Ito ring si Andrea ay naka-follow pa rin kay Kathryn. Kaya lang, ito naming si Kathryn ay hindi na naka-follow kay Andrea sa Instagram.
Nakakaloka talaga ang mga kaganapan na ‘yan, ha. And it all started nang itsimis ni Ogie Diaz ang hindi kumpirmadong chika na hiwalay na sina Kathryn at Daniel at palihim na nagkikita sina Daniel at Andrea.
Humingi naman ng pasensiya si Ogie sa mga naapektuhan ng kanyang chika pero idinidiin niya ng hindi kumpirmado ang napapabalitang magkahiwalay na sina Kathryn at Daniel.
Na-bash kasi nang husto si Ogie sa kanyang chika about KathNiel. Nabansagan siyang “fake news peddler” sa X (dating Twitter) at nag-trending topic pa siya recently.
Wala pang paliwanag sina Daniel, Kathryn at Andrea sa issue at mukhang walang gustong magsalita sa kanila.
***
Maganda ang naging experience ni LA Santos sa kanyang pakikipagtrabaho kina Maricel Soriano at Roderick Paulate sa In His Mother’s Eyes.
Si LA ang gumaganap na anak ni Maricel sa movie na iniwan niya nang matagal na panahon. May condition si LA sa movie at matinding drama ang halos lahat ng eksena niya with her.
Mataray ba si Maricel sa totoong buhay?
“‘Yung character lang niya ‘yun kasi para sa akin sobrang nanay siya. Dito ko masasabi na may na-meet din akong mommy ko na hindi lang si Mommy Flor, si Inay Marya. Kasi po si Inay Marya, isipin n’yo natutulog na ako sa set pero ako kinukumutan niya ako, sinisigurado niya na lagi akong kumakain,” say ni LA.
About Roderick naman, super hanga si LA sa comedic talent nito.
“Legendary siya as a comedian kaya todo hanga ako sa kanya. Nakikinig lang po ako sa kanya. Iba siya, eh. Para sa akin, isa siya sa pinakamagagaling na artista sa Pilipinas,” say ni LA about Roderick.
Nang matanong kung ano ang dream role niya, say ni LA, “Isa pang dream role ko ay maging anak ni Ian Veneracion. Ang isa pa po ay makapartner si Kira Balinger.”
When asked kung anong genre ang gusto niyang gawin, agad-agad ang sagot ng actor.
“Comedy po. Isa siya sa parang first love ko kasi pinapangarap kong maging isang Adam Sandler. Gusto ko kapag pinanood ako ng mga tao, maliligayahan sila,” say ni LA.
Showing na sa November 29 ang In His Mother’s Eyes sa mga sinehan. Idinirek ito ni FM Reyes mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa at Jerry Gracio.
***
Sobrang nagpasalamat ang It’s Showtime host na si Kim Chiu dahil nagtapos na ang Linlang na kanyang pinagbibidahan.
Sa kayang Instagram account ipinadaan ni Kim ang kanyang pasasalamat.
“JULIANA LUALHATI. a character you love to hate, but love and hate all come down to what matters. Thank you, Juliana. At first, I was really scared to do you, but you showed me that you’ll never know what’s in there if I don’t jump out of my comfort zone,” say niya.
After that, marami na siyang pinasalamatan dahil sa kanyang matagumpay na portrayal bilang Juliana Lualhati.
“Thank you, @dreamscapeph sir deo_endrinal for the trust and for giving me this wonderful project. Thank you to my directors, Direk @direkfmreyes @jojosaguin , for guiding me throughout the series. To our creatives, writers, and everyone behind #Linlang maraming maraming salamat. To my excellent, brilliant co-stars hand down, saludo ako sa inyong lahat. @officialmaricelsoriano @pauavelino @1migueldeguzman @kailaestrada @heavenperalejo @rubyruizzz @hannah_lexie03 @heartramos_ race_matias @_anjisalvacion_ at marami pang iba. Thank you for challenging me and for bringing out the best in me. Pag kaeksena ko kayo kinakabahan ako lagi,” say niya.
“Kailangan kumeep up. I am proud to be a part of this stellar casting. It is hard to say goodbye. But I want to say THANK YOU, thank you JULIANA. It was indeed a rollercoaster ride of emotions. Thank you po sa lahat ng sumuporta, nagabang tuwing Thursday, for making LINLANG part of your week, a barkadahan experience, and family bonding. I love all your comments on social media, memes, and many more. No words can explain how thankful I am to each and every one. My heart is full! Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!! Thursdays will never be the same. #sepanx And lastly, thank you, @primevideoph for making LINLANG a worldwide reach,” dagdag pa niya.