Dahil sa provocative photos niya ngayong isa na siyang calendar girl para sa isang liquor brand, nagkaroon na ng bagong bansag ang mga netizens sa aktres na si Julia Barretto.
Kasi naman, oozing sa kaseksihan ang kanyang pinup photos para sa kalendaryo at makikita ang girlfriend ni Gerald Anderson na nakaupo sa puting kama at nakasuot ng pulang see-through bikini na halos kita na ang kahubdan ng dalaga.
May ilang netizens tuloy na nagbansag sa kanya ngayon na “Bukaka Queen.”
Sa kanyang caption, nagpasalamat naman si Julia sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang bagong brand ambassador ng naturang liquor brand.
Nakakaloka ang mga nabasa naming comments mula sa netizens kung saan ilang male fans ang nagsabing napa-zoom sila sa kalendaryo ni Julia habang ang iba naman ay umaming natakam sila sa ganda at kaseksihan ng aktres.
In fairness, mukhang proud boyfriend naman si Gerald sa pasabog na sexy pictorial ni Julia dahil talagang ni-repost din niya sa kanyang IG story ang naturang kalendaryo.