“On a scale of 1 to 10, ang chances niya is 8.”
Ganito ang naging pahayag ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz nang taungin sa kanyang ‘fearless forecast’ sa magiging Top 5 ng nasabing pageant ngayong taon at ayon sa kanya ay pasok si Philippine bet Michelle Dee sa Top 5.
”I always hope for our Miss Philippines to be in the Top 5. Top 5 ‘yan, Top 5 kasi they have to have a representative from Asia,” sabi ni Gloria sa isang panayam nitong Biyernes.
“Michelle on a scale of 1 to 10 compared to Melanie she is a 7, 8 in spite of siguro her leanings or whatever they call it. She has a good chance,” pagpapatuloy niya.
Ang 28 anyos na kandidata ay anak ni Miss International 1979 Melanie Marquez.
Ayon pa sa dating Miss Universe, hindi lamang nakabatay sa ganda at talino ang criteria para mauwi ang korona at kasama rito ang suwerte.
“In a beauty contest hindi naman kuwan kagandahan, katalinuhan. 100 percent it’s luck. Hindi naman ako ang pinakamaganda roon, hindi ba? I mean we all know that and I must admit that but during my time it was an element of luck and I think even now,” pahayag niya.
“Kasi even in acceptance mayroong mahilig sa blonde, may mahilig sa maitim, maputi, lahat ‘yan. She stands a good chance that’s why she’s our representative but I don’t know especially that the whole Miss Universe is owned by a different person now,” dagdag pa niya.
Samantala, sa hiwalay na pahayag, ganito rin ang naging sagot ng tanyag na fashion designer at beauty expert na si Renee Salud nang tanungin kung may tsansa bang magwagi si Dee.
“Ilagay na natin siya sa Top 5. Siguradong-sigurado. Kasi maganda naman ‘yung performance niya,” sambit niya. “At saka ‘yung pagsagot niya, actually tsismis mas magaling siya sa nanay niya.”
Dagdag niya, ang pinakamalakas na asset ni Dee ay ang kanyang personalidad.
“Wala sa kanya ‘yung ganda ng nanay niya, pero ‘yung pagkatao niya ‘yung personalidad niya ay kakaiba siya. She’s different from the rest of the candidates,” sambit ni Salud.
“Alam mo naman ang contest kapag halimbawa at nakausap mo na sila that’s the time na makakasigurado ka na ito na ang babaeng panalo,” pahabol niya.