Ang dalawa sa pinaka-tanyag na babaing artista ng kasalukyang henerasyon, sina Julie Anne San Jose at Julia Barretto, ayaw paawat ang kabugan sa alindog!
Ang Asia’s Limitless Star, si San Jose, gumulantang ang bagong kulay na buhok, blonde is beautiful ang drama ng babaeng tinatangi ni Rayver Cruz.
Sa totoo lang, bagay na bagay kay Julie Ann ang kanyag blonde-colored crowning glory. Lumutang ang kanyang alindog. At mas umigting ang pagiging katakam-takam.
Ang bagong kulay na buhok ay mas lalong nagpa-ganda sa mang-aawit na may bagong kantang inilalako para sa lahat, ang “Something”.
Ang kanyang kasintahang totoo, si ginoong Cruz, ang reaksyon sa iniirog ay: “Super gorgeous.” Ang reaksyon naman rito ni binibining San Jose: “Thank you my love, super sweet.”
Siyempre pa, ang mga umiidolo kay Julie Anne, todo ang suporta at papuri sa fabulous blonde transformation nito. Tunay ngang mala-Filipina Barbie Doll na buhay na buhay ang Kapuso singing prinsesa.
Marami rin ang masaya sa mainit ang pagtanggap at panonood sa pelikula niyang “The Cheating Game” nung ito ay itinanghal sa NetflixPH.
At sa tuwing ito ay nagiging hurado sa “It’s Showtime” palagiang mainit at aprubado ng madlang pipol ang kanyang presensya at kagandahan, sa totoo lan
Samantala, ang pretty young miss Julia, inilunsad bilang calendar girl ng isang pamosong inumin.
Classy at seductive ang mga pang-uring ginagamit para ilarawan ang mga larawan ni La Barretto.
Siyempre pa, palong-palo ang career push na ito ni Julia at siguradong ang mga barakong totoo, pagkakaguluhan ang kanyang kalendaryong. Tiyak na tiyak na marami rin ang magsasabing kay palad na tunay ni Gerald Anderson, ang lalaking nagpapatibok at nagma-may ari sa puso ni Barretto. Ang panalo pa kay ginoong Anderson, in full support ito at proud jowa sa panalong-panalong calendar girl pasabog.
Hindi na nakakapag-taka ang reinvention na ito ni Julia dahil nga sa Jason Paul Laxamana’s “Expensive Candy” eh ipinamalas na niya na siya ay maalindog at may kakayahang mangrahuyo. Slim is the best form of being sexy ang paandar ni Barretto.
Ang panalo pa sa payanig na ito ni Julia, pahiwatig ito sa lahat na may silbi at saysay ang kanyang pagiging artista, tunay na may luningning at estrella ang kanyang bituin. Handang-ganda siyang lumaban sa kanyang mga ka-kontemporaryong sina Kathryn Bernardo, Nadine Luste at Liza Soberano.
Sa pagandahan at pagalingan nilang apat, ang pagiging calendar girl ni Julia at ang kompanyang sinugulan at nagtiwala sa kanyang rikit at kakayahang kilitiin ang imahinasyon ng mga kalalakihan sa merkado at pangmalakasang bilhin ang kanilang produkto, ay patotoo na still in the running ang babaing minsan ay minahal ni Joshua Garcia sa showbiz queendom giyera.
Sa totoo lang, nakakatuwa na pinapakita nila Julie at Julia ang powerful feminine side nila. Tunay silang magiging panalong inspirasyon sa mga kababaihan lalo na sa aspektong pag-aalaga sa mga sarili at mga katawan, at sa tunay na lakas at kapangyarihan ng mga kababaihan.