Binasag na ng aktres na si Jane de Leon ang katahimikan niya kaugnay sa mga kumakalat na tsismis na inisnab umano niya ang kanyang mga fans sa red carpet premiere ng “Five Breakups and a Romance.”
Iginiit ng aktres na edited umano ang mga kumakalat na videos sa TikTok at hindi umano iyon ang totoong nangyari.
“First of all, introvert ako. I saw that (video) ‘yung kumalat kasi hindi ‘yun ‘yung full na nangyari so they thought na snob ako,” sabi ni Jane. “Hindi nila alam na pumunta ako sa fans. I have that video. Ako naman, nag-e-enjoy lang ako.”
Dagdag pa ng dalaga, hindi dapat umano pinaniniwalaan ang lahat ng nakikita sa social media dahil hindi naman ito ang totoong nangyayari.
“Sabi ko nga, don’t believe everything you see on social media, kasi hindi nila alam ine-edit out. Hindi nila alam ‘yung totoong ginagawa ng mga artista,” sabi ni Jane. “Nakaka-sad lang na hindi nila nakikita ‘yung totoong gestures or pakikisama [dahil na-e-edit]. Natatawa ako kasi they know what I did nung premiere night — na nakihalubilo ako sa fans and naghintay kami kasi mayroon pang mga artista na ini-interview sa taas. Nakipag-interact naman kami noon.”
Pinasalamatan naman ng aktres ang kanyang fans na siya aniyang pinoprtoektahan siya sa mga isyu kagaya nito.
“I love my fans so much and they know that. That’s why sobrang na-appreciate ko how they protect me and kung paano nila ako mahalin at alam nila ang istorya na hindi ko na kailangang i-defend ang sarili ko,” saad ng dalaga.
Nakatakdang bumida ang aktres sa upcoming film na “Shake, Rattle, & Roll Extreme” na siyang ipapalabas sa mga sinehan sa November 29. Ilan sa makakasama ng aktres ditto sila Jane Oineza, RK Bagatsing at Iza Calzado.