Aabot sa $1 bilyon ang halaga ng mga nakumpiskang pekeng luxury goods sa New York City nitong Huwebes.
Batay sa ulat ng Agence France-Presse, nasa 219,000 pekeng mga bags, sapatos, damit at iba pang mamahaling produkto ang nakumpiska sa mga nagbebenta sa Manhattan.
Ang mga nasabat na pekeng mamahaling produkto ang pinakamalaking halaga sa kasaysayan ng bansa, ayon kay Damian Williams, isang tagausig na humahawak sa kaso.
Dalawang lalaking inaresto nitong Miyerkules ang pinaghihinalaang mga utak sa likod ng pagbebenta ng mga pekeng gamit.
Kinilala ang magkasabwat na sina Adama Sow, edad 38, at Abdulai Jalloh, edad 48. Sila umano ang nagpapatakbo ng mga imbakan ng mga pekeng gamit sa Manhattan.
Kaugnay nito, sinabi ni NY Police Commissioner Edward Caban na ang pagbebenta ng mga pekeng produkto ay isang “victimless crime” at siyang nakapipinsala sa mga lehitimong negosyo, pamahalaan at mamimili.