Nakipagpulong na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay United States Vice President Kamala Harris nitong Huwebes kung saan tinalakay nila ang economic at defense cooperation ng Manila at Washington.
Ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez, natuloy ang pulong nina Marcos at Harris.
Nasa San Francisco, California si Marcos upang dumalo sa 2023 APEC Economic World Leaders Summit kung saan nasa 21 economic member countries kabilang na si US President Joe Biden.
Sa nasabing pulong, muling pinagtibay nina Marcos at Harris ang matatag na alyansa sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
Muling binigyan diin nina Harris at Marcos ang kapwa pangako nito na panatilihin ang internal rules and norms kabilang na ang isyu sa West Philippine Sea.
Ito na ang ikalimang pagpulong nina Marcos at Harris.
Tinanggap din ni Harris at Marcos ang pagtatapos ng isang makasaysayang “123” civil nuclear cooperation agreement, na magpapalalim sa ating partnership para bumuo ng pandaigdigang malinis na ekonomiya ng enerhiya at palakasin ang ating pinagsamang pangako sa pagpapabuti ng seguridad sa enerhiya at pagsusulong ng pandaigdigang nonproliferation regime.
Makakatulong ang partnership na ito na lumikha ng isang mas matatag secure, at napapanatiling global semiconductor value chain.