May pasabog na gagawin ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa kanyang gagawing introduction segment ng Miss Universe 2023.
Sa halip kasi na normal na babanggitin ng beauty queen ang kanyang introduction, sinasabing ang isisigaw umano ng dalaga ay ang salitang “Filipinas.”
Nasa El Salvador na ngayon si Michelle at maraming pageant fans ang nagsasabi na malakas ang laban ng dalaga.
Base nga sa introduction video na napanood namin sa social media, ang ginawang pagpapakilala ng Kapuso star ay, “Michelle Marquez Dee, Filipinas!”
Samantala, nabanggit ni Michelle na meron din siyang lahing Espanyol pero hindi siya fluent sa pagsasalita ng Spanish language kaya inaral niya ito para kahit paano’y maintindihan niya ang mga makakausap at makakasalamuha niya sa El Salvador.
“Of course, I’m not fluent in Spanish but I do have Spanish heritage. I am a Marquez. So, gratefully, a lot of our languages, a lot of our words have a lot of similarities with the Spanish language. So I’m able to decode and use context clues to understand,” saad ni Michelle sa isang panayam.
Dagdag pa ng dalaga, talagang kinareer niya ang pag-aaral ng Spanish bago umalis ng Pilipinas patungong El Salvador.
“I did, of course. I studied right after I won Miss Universe Philippines. Of course you have to study the place that you’re going to, the culture. You don’t want to come empty-handed. And of course, I want to represent the Philippines in the best way possible. And that includes doing the extra mile and trying to learn the language, trying to be more engaging as well,” sabi ni Michelle.
Sinabi rin ni Michelle na habang papalapit na ang grand coronation ng Miss Universe 2023, parang hindi niya napi-feel na may nagaganap na competition sa 85 kandidata na maglalaban-laban this year.