Nag-tending ang “KathNiel Pa Rin Mga Ulol” sa X (dating Twitter) kamakailan.
Ito ay matapos mag-viral ang dancing video nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa social media. Resibo raw ito na hindi magkahiwalay ang magdyowa, taliwas sa hindi kumpirmadong chika ni Ogie Diaz na hiwalay na ang dalawa.
Nagbunyi ang KathNiel fans sa paglabas ng dancing video ng magdyowa at halos lahat ng comment ay patama kay Ogie.
“Baklang kanal kasi yung nagpa kalat ng tsismis, ewan ko ba, di naman ako bilib dun sa baklang TM na yun. Pati nga si Liza pinagkaperahan lang tapos siniraan nung umalma sa kaniya.”
“Yan ba ang break???”
“Grabe, feel ko yung titig ni DJ kay Kath.”
“Celebrating their break up.”
“Grabe tong mag EX na ito nagawa pang mag sexy dance.”
Meron namang nambasag at sinabing matagal na raw ang video na iyon. Sa katunayan, payat pa raw si Daniel sa video na iyon.
Ayon na rin sa reporter na malapit kay Daniel na si Dominic Rea, walang katotohanan ang chikang hiwalay na sina Daniel at Kathryn.
“STOP THE PANG-IINTRIGA! WALANG KATOTOHANAN! HUWAG NA GAMITIN ANG DALAWA PARA LANG MAGKA-CONTENT KAYO! WALANG ISYU AT WALANG DAPAT IPALIWANAG SA MATIBAY NA SAMAHAN NG KATHNIEL!” say ni Dominic sa kanyang Facebook account.
***
Marami ang naintriga sa isang post sa X (formerly Twitter) dahil sa chikang inaalok daw ng magandang offer si Alden Richards para mag-join sa Kapamilya network.
Ang chika, sky is the limit daw ang offer at name your price, bagay na nakakataas ng kilay.
“So true ba na gustong kunin at papirmahin si #ALDENRichards? Jusko. Akala ko ba starlet si Alden? Bakit ang mga big bosses nyo handang magbayad ng malaki makuha lang si Alden? Sakit na ba sa ulo at liability na ba si…Kain ebak na naman ang mga abs alts nito if ever.”
‘Yan ang naka-post sa X na aming nabasa.
Of course, marami ang nag-react. May mga nagsasabing hindi ito true at meron namang humihikayat kay Alden na ‘wag patulan ang offer.
“Ako na magsasabi, hindi totoo yan. At kung meron man hindi lalayasan ni Alden ang GMA kasi loyal yan parang si Marian bwhwhwhwhw.”
“If this happen mawawala respeto ko sa kanya.”
“Yan ang sabi ng source ni Lolit Solis at usapan yan sa Marites University. At totoo daw yan. Pero mukhang na secure na ng GMA. All smiles sila at nag Thank you pa. Loyal yan si Alden eh.”
“heler!!! walang ganun. Hahaha ikaw lang nagsasabi nyan. Naninira kana nmn sa ignacia. Artista nyo yan. Hindi yan kukunin ng igancia kasi focus sila sa artista nila. Tsaka tama na na natulungan yan si alden ng star cinema pra makakamit din ng blockbuster award na nde mbgay ng GMA.”
***
Nag-uumapaw na kilig at suspense ang nararamdaman ng mga manonood sa kwento nina Bingo (Donny Pangilinan) at Caroline (Belle Mariano) kaya naman no.1 pa rin ang “Can’t Buy Me Love” sa Top 10 TV shows ng Netflix Philippines ngayong araw at tumabo na sa higit sa 500 million views ang serye sa Tiktok noong Nobyembre 1.
Isa pa rin ang “Can’t Buy Me Love” sa most watched series sa iWantTFC sa nakalipas na apat na linggo. Hindi rin nawawala sa Twitter trending topics at patuloy na pinag-uusapan ang serye gabi-gabi.
Ngayon nga unti-unti nang nalalaman ni Caroline ang impormasyon tungkol sa tangkang pagpapa-kidnap sa kanya ng kanyang kapatid. Sa tulong ni Bingo, nakahanap ng pruweba si Ling na magagamit kay Irene (Maris Racal).
Mukhang hindi pa naman ligtas ang kanyang buhay sa mga misteryosong taong patuloy na nagmamanman sa kanyang galaw.
Samantala, tuloy-tuloy ang problemang kinahaharap ng pamilya ni Caroline. Matapos nilang madiskubre ang pagiging babaero ni Edward, na-hack naman ang bangko ng kanilang kompanya.
Ngayong babalik na sa mansyon si Ling, tuluyan na kayang maputol ang ugnayan nila ni Bingo? Mabayaran na kaya niya si Bingo at mapatunayang si Irene talaga ang nagpadakip sa kanya?