Iniulat ng mga otoridad na isang babaeng college student ang umano’y binugbog at binaril ng kanyang kaklase na umano’y nobyo niya rin sa parking lot ng kanilang unibersidad sa Tuguegarao City, Cagayan.
Sa paunang ulat, sinabing dinala sa ospital ang sugatang biktima na isang third year Medical Technology student at nakita umano itong duguan na nakahandusay sa parking lot ng St. Paul University Philippines (SPUP) Tuguegarao dakong 5:30 p.m. nitong Lunes.
Isinuko naman ng ama sa pulisya ang suspek.
Bago ang pamamaril, may nakakita umano sa suspek na binubogbog ang biktima sa loob ng kotse.
Pero nang tangkain umano ng isang security guard at library staff na tulungan ang kolehiya, nanutok umano ng baril ang suspek.
Inihayag naman ng pamunuan ng paaralan na nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad at kontrolado na ang sitwasyon.