Inihayag ng Department of Social Welfare and Development na iimbestigahan nito kung may katotohanan ang mga balitang may sindikato umanong nagdadala ng mga indigenous people o katutubo mula sa mga probinsiya patungong Metro Manila para mamalimos kapag Kapasukuhan.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, dumarami na naman umano kasi ang namamalimos sa kalsada ngayong papalapit na ang Pasko at dagdag niya, kung mapapatunayan ay posibleng maharap ang grupo sa kasong human trafficking.
May nakalaan naman daw na programa ang DSWD para sagipin ang mga nanlilimos.
Inaalam ng ahensiya kung saan ang tirahan ng mga pamilyang namamalagi sa mga lansangan, habang mayroon ding mga taong-lansangan na nakukumbinsi na umuwi sa kanilang probinsiya.