Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority nitong Miyerkules na inaasahan nitong tataas pa umano ang bilang ng mga sasakyan na bumabagtas sa EDSA pagdating ng buwan ng Disyembre.
Sinabi ni MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija na pagpasok lamang ng ‘Ber’ months ay mayroong 15 percent ang pagtaas ng volume ng mga sasakyan at dahil sa inaasahang pagtaas ay nagsagawa sila ng ilang mga paraan gaya ng paglipat sa oras ng operasyon ng mga malls at ang pagdagdag ng mga personnel nilang ipinakalat sa kalsada.
Umaasa ang MMDA na sa nasabing adjusted mall hours sa National Capital Region ay makakatulong ito ng bahagya sa pagluwag ng trapiko.
Hiniling din nito sa publiko na maging disiplinado sa kalsada para hindi na dumagdag pa sikip ng trapiko.