Isang bangkay ng babaeng pinatay noong 1992 ang nakilala sa tatong itim na bulaklak sa kanyang kanang braso, ayon sa Interpol. Natagpuang patay sa may ilog sa Antwerp, Belgium ang babae na nakilalang si Rita Roberts, isang taga-Britanya, matapos ang 31 taon, pahayag ng organisasyon ng pulis na nakabase sa Lyon, France.
Ang bangkay ni Roberts ay nakita noong Hunyo 3, 1992. Tanging tato ng itim na bulaklak na may berdeng dahon at katagang “R’Nick” sa kanang braso ang pagkakakilanlan nito.
Isang kamag-anak ng biktima sa United Kingdom ang nakakilala sa tato sa balita at nakipag-ugnayan sa Interpol at pulis sa Belgium, ayon sa Interpol.
Ang pagkilala ay sumunod sa pandaigdigang apela ng Interpol sa publiko ng tulong sa website nitong “Identify Me.”
Sa pahayag ng pamilya ni Roberts, nagpasalamat sila na nalaman nila ang nangyari kay Roberts.
Nais pa ng Interpol at pulis ng Belgium na makakuha ng dagdag na impormasyon sa publiko upang malaman ang marahas na pagkamatay ng biktima.
Sa nasabing web page ibinabahagi ng Interpol ang ilang impormasyon sa mga kasong hindi pa nalulutas sap ag-asang makakuha ng tulong sa publiko.
Mula sa pagkakalunsad ng “Identify Me” nitong Mayo, nakilala ang 22 babaeng natagpuang patay sa Germany, Belgium at Netherlands.
Sa mga impormasyon din mula sa publiko ay gumalaw ang mga kasong matagal nang nakabinbin dahil sa kawalan o kakulangan ng ebidensya.