Matapos maungkat sa isang Senate hearing ang umano’y paglalabas ng authentic birth certificates ng Philippine Statistics Authorty para sa mga foreign nationals, nagasasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation sa mga pasaporte ng mga dayuhang pumapasok sa ating bansa.
Ayon kay NBI director Medardo De Lemos, sa ngayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kanilang Anti-Fraud Division at International Operations Division ukol dito.
Kaugnay rin nito, iniulat ng NBI na may naaresto na rin silang isang foreign national na sinusubukang makakuha ng authentic PSA birth certificate.
Kung matatandaan, ang hakbang na ito ng NBI ay kasunod ng mga ulat na nakapasa umano ang mga passport application ng ilang mga dayuhan sa bansa na nagpapanggap na mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpepresenta ng authentic at genuine na birth certificate mula sa PSA.