Nabiktima pala ang aktres na si Arci Muñoz ng mga naglipanang magnanakaw sa loob mismo ng eroplano na papauwi na sa Pilipinas galing sa kanyang bakasyon sa Japan.
Sa kanyang social media, ibinahagi ni Arci ang kanyang naging karanasan sa sinasabi niyang bagong modus.
“I’m going back home from Japan. I’m on board in Korean Air, flight number KE704 bound to Incheon [South Korea]. So I have a connecting flight going back home here in Manila…so sa business class ‘to nangyari,” sabi ni Arci.
Ayon sa aktres, nagulat siya na may nakatayo nang lalaki sa cubicle niya ‘nung nagising siya.
“I was resting in my cubicle and then…May lalaking nakatayo sa cubicle ko tapos kinukuha niya ‘yung magazine sa cubicle ko, knowing that all cubicles in the business class has magazines ‘diba. So ako naman, inisip ko lang na baka wala siyang magazine na andoon sa cubicle ko,” saad ng dalaga.
Buti na lang umano na may nakakita sa ginawa ng lalaki at dito na niya nalaman na ginalaw pala nitong suspek umano ang kanyang bag.
“Buti nalang this woman, she’s very nice, she’s like sent by God [and] asked me, ‘do you know that guy?’ and I was like, ‘no!’ And then she stood up and she confronted the man, ‘Why did you touch her bag?’ ako naman, sabi ko, ‘bakit nawawala ‘yung bag ko?’ and then I saw my bag on the floor near the aisle, e sa window seat ako nakaupo,” sabi ni Arci.
Isinumbong daw nila ito agad sa flight attendant, pero itinatanggi ng suspek umano ang mga ibinibintang sa kanya.
“This guy nakaayos, nakaporma, nakagarbo na mga luxury items. So I was thinking, ano ‘to modus talaga nila? Sumasakay sila ng mga business class, they fly?” tanong pa ng aktres.
At dito na nga ibinunyag ng aktres na nakuhaan siya ng credit cards at ito raw ay ginamit sa ilang transaksyon sa iba’t-ibang bansa.
“At first, I didn’t notice something is missing in my bag kasi compiled lahat ng cards ko e. And then after two days, may notification na sa bank ko na someone was using my credit card sa Vietnam at tsaka sa Jakarta,” saad ni Arci.
Dahil sa nakakatakot na karanasan ni Arci, nanawagan siya sa publiko na maging alerto at mag-ingat sa mga ganitong klase ng modus.