Inaresto ng mga otoridad ang isa sa mga umano’y nanunog sa walong sasakyan sa General Santos City at inamin na rin ng suspek na siya ang nasa kuha ng CCTV footage at hindi itinanggi ang panununog.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis at ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-3 ng madaling araw nagsimula ang serye ng mga panununog ng mga sasakyan. Nahuli ang 30-anyos na salarin na di nakapagpalit ng damit kaya madaling nakilala ng mga pulis.
Ayon sa suspek, binayaran siya ng kakakilala pa lang niya sa trabaho ng P2,000 para sunugin ang sasakyan ng kagalit.
Kinilala ang suspek na si Alyas Sixto.
Ayon pa sa kanya, kinakailangan niya ng pera para sa kanyang misis na may sakit.
Isinasantabi nila ang anggulong terorismo sa insidente.