Aminado ang aktres na si Louise delos Reyes na talagang enjoy na enjoy siya sa paggawa ng horror movies kahit na sa totoong buhay ay talagang matatakutin siya at madaling maapektuhan ng mga scary stories.
Pagkatapos kasi ng blockbuster at award-winning movie na “Deleter” at ng Viva One original suspense thriller series na “Deadly Love”, bibida uli si Louise sa latest horror film na, “Marita” kasama si Rhen Escaño.
“The truth is that this is the type of project that really excites me now. Kasi before, wala akong ginawa kundi magpaiyak sa soaps. Personally, matatakutin ako, but I now enjoy scaring people. Masaya makitang nagsisigawan sila sa loob ng sinehan,” sabi ni Louise na kasama sa pelikulang “Marita.”
Gaganap si Louise sa “Marita” bilang si Sandra, isang teacher na naatasan sa kanilang school na buhayin ang theatre group na Sinag Diwa para sa mga estudyanteng nangangarap maging artista sa teatro.
Ito ang magiging dahilan ng sunud-sunod na kababalaghan sa kanilang paaralan, na pinaniniwalaang gawa ni Marita, ang namatay na theater actress at estudyante sa nasabing school.
“At first, ayokong maniwala sa multo but while we are rehearsing, strange things start to happen at lahat kami ay inisa-isa niyang multuhin,” pagbabahagi ni Louise about her character.
“I’m really glad that Viva keeps on giving breaks to new and young filmmakers. Iba-iba sila ng approach and style, but they are all very talented. Si Direk Roni, he collaborates. Since he also wrote the screenplay, I tell him when I don’t feel comfortable with my lines and if I could reword it in a way na mas magiging effective for me to deliver them. Okay naman sa kanya, he’s very open minded and he really knows what he is doing in scaring the viewers,” kuwento pa ni Louise.