ANTIPOLO CITY – Pinangunahan ni Arvin Tolentino ang salvo ng NorthPort upang maitala ang 113-103 na panalo kontra Rain or Shine sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City nitong Linggo.
Kumamada si Tolentino ng career-high 35 points – kasama na ang limang three-pointers.
Eksaktong isang taon nang maitala ni Tolentino ang kanyang scoring spree nang bumuga siya ng 30 puntos sa 91-85 panalo ng NorthPort laban sa Terrafirma sa parehong conference sa parehong venue.
Matapos gumawa ng 12 puntos sa unang quarter, muling nag-apoy si Tolentino sa fourth frame sa pamamagitan ng pagpapako ng parehong bilang ng mga puntos para itulak ang NorthPort sa tuktok ng leaderboard sa pamamagitan ng ikalawang sunod na panalo nito kasama ang Meralco.
Si Tolentino, na naghakot din ng siyam na rebounds at apat na steals, ay nanunumpa na ang site ay tila magdadala sa kanya ng suwerte.
“Hopefully, we always hold our games here,” saad ni Tolentino. “First time my mom watched me play. She always had anxious moments every time I play. I must admit I’m a Mama’s Boy. But she was able to watch me now because we live nearby this area.”
Ang import na si Venkatesha Jois, na nagbida sa debut game ng Batang Pier noong Biyernes, ay hindi nalalayo sa production.
Si Jois, ang pinakamaliit na import sa torneo na may sukat na mababa sa 6-foot-5, ay bumawi sa kanyang kakulangan sa laki sa isa pang agresibong pagganap.
Laban sa Elasto Painters, nagposte si Jois ng monster numbers na 30 puntos at 21 rebounds.
Ang tambalan nina Tolentino at Jois ay nagbigay ng maraming problema sa Rain or Shine nang dinomina ng Batang Pier ang lahat ng aspeto ng laro at lumamang ng hanggang 19 puntos, 80-61, sa huling bahagi ng third quarter.