Aminado ang Vivamax sexy actress na si Angeli Khang na talagang buwis-buhay ang ginawa niyang eksena kasama si Benz Sangalang para sa pinakabagong offering ng film outfit na “Salakab.”
Ayon sa dalaga, hindi biro ang mga sex scenes niya dahil talagang challenging ang mga locations ng mga eksena.
Sabi naman ni Direk Roman, “Buwis buhay nga kasi may sex scene sila sa ibabaw ng batuhan na kung magkamali sila at mahulog sila, puwede nilang ikamatay.”
“But then, kahit mapanganib, ginawa rin nila, to show professional they are. Wala talaga silang reklamo sa lahat ng mahihirap na eksena na kinailangan nilang gawin for the movie,” sabi pa ni Direk Roman about their new erotic-drama.
Ipinagmalaki pa ng direktor na napakalaki na ng improvement ng akting ni Angeli mula nang nagkatrabaho sila two years ago.
“Mas lumakas ang screen presence at confidence niya, mas lumawak at lumalim ang range ng acting niya. She and Benz delivered their best. Not only sa intense dramatic scenes but also in the love scenes.
“Magugulat tiyak ang viewers dito kasi nag-love scene sila sa mga lugar na hindi mo mai-imagine na may magla-lovemaking doon. We were looking for a remote, isolated island and the local government in Batangas helped us find it and even provided bancas for us na ginamit namin sa movie. We were there for two and a half weeks,” sabi ni Direk Roman.
“Mahirap ang shoot, umitim kami sa araw, inabot kami ng ulan, but naitawid naman namin nang maayos,” kuwento pa ng cult director.