Nag-uusap ngayon ang NorthPort at si Robert Bolick para sa paglalaro niya sa team sa Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup, ayon sa ulat ng Daily Tribune.
Kababalik lamang ni Bolick sa Japan matapos ang paglalaro niya sa Fukushima Firebonds sa B2 League doon at kasama ang pamilya niya sa Cebu.
Sinabi ni Marvin Espiritu, ang manager ni Bolick, na exploratory ang pag-uusap ng dalawang panig at hindi pa negosasyon.
Kinumpirma ito ni Erick Arejola, ang team manager.
Nasa NorthPort ang playing rights ni Bolick at ayon kay Espiritu na may posibilidad na maglaro muli si Bolick sa PBA.
Pinakawalan na ng Firebonds si Bolick sa kanyang 2-taong kontrata sa kanila dahil nais niyang makasama ang kanyang buntis na asawang si Cassandra.
Maaaring mag-usap sina Bolick at management ng NorthPort ngayong Linggo.