Masayang nagbabakasyon ngayon sa Japan ang Kapuso actress na si Klea Pineda kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Katrice Kierulf.
Sa kanyang post sa Instagram, pinakita ng magkasintahan ang mga napuntahan nila sa siyudad ng Osaka.
Bilang rin ng Ultimate Female Survivor ng “Starstruck Season 6” ang kanilang hakbang sa pamamasyal. Naka 27,148 steps si Klea habang 25,379 naman si Katrice.
Nag-enjoy ding magkape ang dating cast “Encantadia,” “Ika-5 Utos,” at “Magkaagaw” sa isang coffee shop suot ang matching na itim at puting outfit.
Pihadong magro-romantic dinner ang dalawa upang ma-enjoy nila ang isa’t isa.
Mula nang umamin ang 24-anyos na aktres na siya’y lesbiana nitong Marso, patuloy na ipinakikita nila ang kanilang pagmamahalan at mga bonding moments.
Mas naging masaya ang relasyon nila dahil tanggap ng kani-kanilang pamilya at mga kaibigan ang kanilang piniling kasarian.