Isang 29-anyos na Nigerian ang namatay habang umano’y nakikipagsiping sa kanyang Pinay na kasintahan sa isang motel sa Mabalacat City, Pampanga nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ng lokal na pulis ang biktima na si Nwaonu Uzuchi Emmanuel na taga-Mbaise sa Nigeria at kasalukuyang naninirahan sa siyudad, ayon kay Police Regional Office 3 Director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.
Hindi naman pinangalanan ang 25-anyos na girlfriend ng dayuhan na taga-Angeles City.
Batay sa salaysay ng babae, pumasok sila sa isang hotel sa siyudad at habang nagtatalik, nagkonbulsyon at tumirik ang mga mata ng lalaki bago nawalan ng malay.
Doon na tumawag ng pulis ang babae.