Sinampahan na ng Philippine National Police nang patung-patong na kaso ang tatlong suspek sa pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon sa Misamis Occidental sa gitna ng nagpapatuloy na isinasagawang case build-up ng PNP hinggil sa mga salarin na nasa likod ng nasabing krimen.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol Jean Fajardo, nai-refer na ng kapulisan sa Provincial Prosecutor’s Office ng Misamis Occidental ang naturang kaso noong Nobyembre 8, 2023.
Ginawa ito upang maisalalim sa kaukulang evaluation ng assisting prosecutor ang naturang kaso sa ilalim pa rin ng case build-up mechanism ng Department of Justice alinsunod sa DOJ Department Circular No. 20 laban sa naturang mga suspek na kinabibilangan ng dalawang john does.
Samantala, sa ngayon ay tumanggi munang isiwalat ng kapulisan ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek sa krimen na ito habang nagpapatuloy pa rin ang isinasagwang case build up at imbestigasyon ng mga otoridad.