Iniulat ng mga otoridad nitong Huwebes na dalawang naaagnas na bangkay ang natagpuan umano sa isang bakanteng lote na bihira umanong puntahan ng mga tao sa Binalonan, Pangasinan.
Base sa mga reports, sinabing nakita ang mga bangkay sa Barangay Linmansangan at dahil naagnas na, hindi na makilala at matukoy ang kasarihan ng mga bangkay.
“Ang nakakita doon yung nanghuhuli ng bayawak o ibon. Naglalagay siya ng trap kasi yung lugar bihirang napupuntahan, malalaki yung talahid, mga damo,” ayon kay Police Major Larry Noble, hepe ng Binalonan Police Station.
Ayon pa sa pulisya, itinapon lang sa lugar ang mga bangkay.
“Naka-flash alarm na kami magmula noong November 4, hanggang ngayon wala namang nagki-claim saka wala namang nawawalang tao dito sa Binalonan,” sabi pa ni Noble.
Hindi na rin matukoy ng mga awtoridad kung biktima ng krimen ang mga bangkay na inilibing na base na rin umano sa rekomendasyon ng punerarya.