Aminado ang Vivamax siren na si Denise Esteban na nagakaroon siya ng traumatic experience sa Immigration sa bansa noong unang beses niyang magpunta sa bansang Japan.
Ayon sa dalaga, nangyari ang panghaharang sa kanya sa Immigration dito sa Pilipinas noong January 2023 nang paalis na siya papuntang Japan para sa shooting ng mga Vivamax Original movies na “Hosto” at “Japino.”
Yun daw ang unang pagkakataon na lalabas ng bansa si Denise kaya wala pa siyang kaalam-alam sa proseso sa Immigration office sa airport.
“May kulay ang buhok ko noon, tapos ano, orange! Parang akala nila, magti-TNT talaga ako du’n,” sabi ni Denise. “Kaya medyo nahirapan po ako du’n. Mga 30 minutes akong pinakaba sa Immigration.”
“Kinausap po ako nang masinsinan. Umabot pa po kami sa birth certificate ng nanay ko,” rebelasyon pa ni Denise. “Nu’ng nandu’n na po kami sa airport, una siyempre, kinakabahan na po ako. Kasi marami po akong napapanood na hino-hold talaga.”
“Tapos nu’ng nandu’n po ako, tinanong ako, ‘Anong pinunta mo dito?’ ‘Action po, ganito, ganyan.’ Tapos hindi ko po alam yung iba kong isasagot. Siguro nakakita sila ng konting ano, na bagay na gusto nilang punahin,” dagdag niya.
“Tapos pinunta po ako du’n sa parang cube na kinausap po ako nang masinsinan, ‘Anong gagawin mo sa Japan? May kamag-anak ka ba du’n?’ Tapos sabi ko, ‘Opo! Nandu’n po yung kapatid ng nanay ko. Nandu’n din po siya,’ ganito-ganyan,” sabi pa ni Denise.
“Tapos siyempre, nag-check po sila ng bank statement. E, walang laman yung bangko ko. E, for tourist, siyempre kailangan may pera pag ano, di ba? E, walang laman! Nasa ano lahat, tapos ayun, yung surname kasi ng tita ko du’n, iba sa surname ng mom ko. So, parang nagdalawang-isip sila. Akala nila, yun yung magbubugaw sa akin sa Japan. Kaya parang hinold ako du’n nang mga ilang minutes,” paglalahad pa ng sexy star.
“Pinakawalan ako mga 10 minutes before umalis yung ano siguro, kaya sobrang kaba. Kasi pag naiwan ako, wala na. Papalitan na ako. Yun po, yun ang ano, basta hinold po ako. Ibang klaseng experience po yun,” sabi pa ng dalaga.
Inamin nga ni Denise na parang natatakot na siyang humarap uli si Immigration sa airport.
“Opo! Sobra po! Ano po, last time, pumunta po kaming Bacolod. So, nag-plane po kami. Natatakot ako. Hindi ko alam na hindi naman pala dadaan ng ano du’n. May trauma pa ako. Sabi ko sa mga kagrupo ko, ‘Sunod ako sa inyo, teh. Huwag kayong aalis, ha ‘ Nandu’n pa rin yung takot talaga,” sabi ng dalaga.