Isang 23-anyos na dalaga ang binaril umano ng kanyang kasintahan dahil ayaw na umano nitong makipagbalikan sa kanya sa Narvacan, Ilocos Sur.
Sa paunang imbestigasyon, nagtungo umano ang suspek na kinilalang si Edmon Cabalar ng Barangay Sucoc sa bahay ng biktima para suyuin ang dalaga na makipagbalikan.
Pero dahil nasa impluwensiya umano ng alak ang suspek, hindi siya pinapasok sa bahay ng biktima at matapos nito ay umalis umano ang suspek at nang bumalik, may dala na siyang baril at pinaputukan ang dalaga.
Una umanong binaril ng suspek ang ina ng biktima na masuwerteng hindi tinamaan.
Desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa suspek na pinaghahanap na ng mga otoridad.