Napiling muli si Miss Universe 2018 Catriona Gray na maging backstage correspondent para sa inaabangang coronation day ng Miss Universe 2023 pageant at aminado ang dalaga na talagang excited siya para dito.
Inanunsyo ito mismo ng Miss Universe Organization sa kanilang official social media accounts recently.
Muling makakasama ni Queen Cat sa backstage ang American TV personality and actress na si Zuri Hall habang ang mga main hosts ay sina Miss Universe 2012 Olivia Culpo, at TV hosts na sina Maria Menounos at Jeannie Mai.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng dalaga ang kanyang nararamdaman para sa event.
“See you soon, El Salvador! So excited to [be] invited back as one of the hosts for Miss Universe,” sabi ni Catriona.
Ang mga kandidata ng Miss Universe pageant ay kasalukuyan nang nasa El Salvador, kabilang na ang ating pambato na si Michelle Dee. Ilang araw bago ang coronation day ay abala sila sa mga ginagawang culminating activities.
Ang big day ay mangyayari sa darating na November 19 kung saan ipapasa na ng reigning queen na si R’Bonney Gabriel ang korona.