Hindi natuloy maglaro ang National Basketball Association star na si Thomas Robinson para sa koponan ng San Miguel Beer sa Philippine Basketball Association nitong nakaraang taon dahil sa back injury.
Ngayong malusog na siya, magbabalik na ang manlalaro ng iba-ibang koponan sa NBA para sa NLEX Road Warriors sa pagsisimula ng Commissioner’s Cup bukas.
May taas na 6-10 ang No. 5 pick ng 2012 NBA Rookie Draft at pinangako niyang lalakasan niya ang kanyang paglalaro sa unang laban ng kanyang team bukas sa Smart Araneta Coliseum.
Makakatunggali ng NLEX ang Phoenix Super LPG.
Excited na ring maglaro si Robinson sa PBA.
“I know that the fan base here is incredible,” pahayag ng 32 anyos na dating naglaro sa Sacramento Kings, Houston Rockets, Portland Trail Blazers, Philadelphia 76ers, Brooklyn Nets at Los Angeles Lakers sa NBA.