Iniulat ng pulisya sa Dumanjug, Cebu na napatay ng mga otoridad ang suspek na pumatay sa isang lalaki kung saan dalawang beses pang binalikan ang kaniyang biktima para barilin muli kahit nakatumba na sa Cebu City.
Kinilala ang napatay na suspek na si Godolfredo Manzanades Jr., residente ng Argao, Cebu at ayon sa mga ulat, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa armadong lalaki sa Barangay Kolabtingon sa Dumanjug nitong Linggo ng hapon.
Nang pumunta ang mga pulis sa lugar, nagpaputok umano si Manzanades kaya gumanti rin ng putok ang mga awtoridad na dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Sinabi pa sa pulisya, bukod sa insidente ng pamamaril at pagpatay sa Cebu City noong Oktubre 31, suspek din si Manzanades sa insidente ng pamamaril at pagpatay sa isang residente sa Barangay Pawa sa Dumanjug.
Idinagdag ng pulisya na isang gun for hire si Manzanades.