Aminado ang aktres na si Sanya Lopez na mayroon umanong nanliligaw sa kanya ngayon pero ayaw niyang ilabas ang identity nito.
Sa kanyang panayam sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ng dalaga na mas tahimik siya pagdating sa lovelife niya dahil mas tumutok daw kasi s’ya sa kanyang showbiz career kaya naman hanggang ngayon ay NBSB o no boyfriend since birth s’ya.
“At first po kasi, may mga priorities ka talaga e. Matindi ’yong pinaghahawakan mo. Kumbaga, meron kang mga bagay na kailangan mong ingatan at i-priority muna bago ’yong love life,” sabi ni Sanya.
“Saka ’yong kontrata ko dati, Tito Boy, merong nakalagay, ‘No Boyfriend.’ Pero ngayon, Tito Boy, ’yong kontrata ko, nakalagay doon, ‘P’wede nang lumandi.’ Hahahaha! Pero hanggang d’yan lang,” sabi pa niya.
At kung sakali man daw na magka-boyfriend na s’ya, mas gusto raw n’ya na tahimik lang at hindi iyong ipinangangalandakan sa publiko.
“Mas gusto ko rin siguro na tahimik lang [ang love life], Tito Boy, kung magkaroon man po ako ng partner. Kasi minsan, kahit hindi para sa kanila…ang daming nakikialam po, e,” saad ng dalaga.
Dahil dito ay natanong s’ya ni Tito Boy kung sumasagi na ba sa isip n’ya na subukang makipagrelasyon lalo pa’t nasa tamang edad na rin s’ya.
“Tito Boy, nito na lang kasi siguro medyo nagkaka-age na rin. Nagkaka-age!?” natatawang pag-amin ni Sanya.
“Pero parang feeling ko, Tito Boy, I think, it’s time na rin naman. Pero may moment na siguro ngayon p’wede na. Ganu’n pa lang,” saad pa niya.
Katunayan, ipinagdarasal na umano n’ya ito.
“Pero minsan kasi, Tito Boy, pag busy ka sa career mo nakakalimutan mo. Masaya ka, e. May ganu’n. Pero kung ibibigay sa akin [why not?]. Pero pinagpi-pray ko s’ya, e. Tito Boy,” sabi ni Sanya.
Na-curious naman ang TV host sa sinabi ng aktres kung kaya itinanong nito kung ano ang laman ng mga dasal n’ya.
“Lagi kong pinagpi-pray na, ‘Lord, maraming magagandang blessings na binibigay Mo sa akin. Hindi Mo ako pinabayaan from the very start. And now, ’yong tamang magiging partner na ang ibigay Mo sa akin. Alam kong kung sino man ang ibigay Mo sa akin hindi ko pagsisisihan ’yon,’” pagbabahagi ni Sanya.
“Alam mo parang nakikinig si Lord,” may pahiwatig na sundot naman ni Tito Boy sa kanyang panalangin.