Inihayag ng Department of Foreign Affairs nitong Martes na naantalang muli ang inaasahang inaasahang pagtawid sa hangganan ng mga Pilipino mula Gaza hanggang Egypt dahil sa patuloy na pag-atake ng Hamas sa Israel.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega, nasa 20 Pinoy ang naudlot sa paglikas dahil sa pag-atake ng teroristang grupong Hamas at dagdag niya, ang pagtawid sa Rafah border ay muling isinara at hindi alam ng mga opisyal ng gobyerno kung hanggang kailan ito magbubukas muli.
Gayunpaman, idinagdag niya na ang mga bansa ay nag-uusap na at nagkakaroon ng talakayan upang ang naturang hangganan ay muling mabuksan.
Matatandaang pinangunahan ng Department of Migrant Workers ang anunsyo na mga Pilipino ang uunahin sa pagpapalikas sa naturang border.
Noong Linggo inaasahang aalis sana ang unang batch na binubuo ng 20 Pilipino mula sa Gaza ngunit hindi natuloy dahil sinuspinde ang pagbubukas ng hangganan dahil sa mga kadahilanang pangseguridad kasunod ng mga pag-atake sa Israel partikular na sa isang ambulansya sa teritoryo ng Palestine.
Ayon pa kay De Vega, mula sa 115 na bilang, 46 na lamang sa 134 na Pilipino ang handang magpatuloy sa makauwi sa Pilipinas.
Una na rito, may dalawang Pilipino na ang nakarating sa Egypt matapos ang maikling pagbubukas ng Rafah border na kung saan sila ay dalawang doktor mula sa humanitarian group na Doctors Without Borders.
Samantala, umapela ang Embahada ng Pilipinas sa Jordan sa mga awtoridad sa Israel na payagan ang tuluy-tuloy na paglikas ng 46 na Pilipinong nagpahayag ng pagnanais na ma-repatriate mula sa Gaza.
Mula sa 46 Filipinos na nakatakda sanang makalabas ng Gaza, dalawa dito ang buntis at isang sanggol.
Ayon kay PH Ambassador to Amman, Jordan Wilfredo Santos, nasa16ng 20 Filipinos sa first batch ang nasa Rafah na 10 minuto lang ang lalakarin bago maabot ang Rafah crossing.
Sa ikalawang batch naman, nasa 19 ng 26 na Pilipino ang nasa Rafah Governorate.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagkumbinsi ng Embahada sa mga Pilipino na lumikas na kabilang ang mga tumangging iwanan ang kanilang mga asawang Palestino.
Ngayong araw ay eksaktong isang buwan mula ng ideklara ang giyera sa israel noong October 7, kung saan sumampa na sa 9,700 Palestinian ang nasawi habang sa Israeli naman ang death toll ay umabot na sa 1,540.